Legazpi City, Albay – Arestado ang isang lalaki na naaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga sa ikinasang operasyon ng Albay PNP nitong Huwebes, Abril 28, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Byron Tabernilla, Provincial Director ng Albay Police Provincial Office ang suspek na si alyas “Ryan”, residente ng nasabing lugar.
Ayon pa kay PCol Tabernilla, dakong 8:25 ng umaga naaresto ang suspek sa Barangay Bigaa, Legazpi City na naaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga sa isang poseur buyer at agad na hinuli ng pulisya.
Ayon pa kay PCol Tabernilla, nakuha mula sa suspek ang isang piraso ng nakataling transparent na platic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php340,000, buy-bust money at isang brown Uniqlo paper bag.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dagdag pa ni PCol Tabernilla, “hindi po malayong maisakatuparan natin ang pagkakaroon ng probinsyang maunlad at walang presensiya ng ilegal na droga”.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi magsasawa sa pagpapamalas ng dedikasyon at pagpapabatid ng pakikiisa upang tuluyan ng matuldukan ang paglaganap ng ilegal na droga at kriminalidad sa ating komunidad.
Source: Albay PPO
###
Panulat ni Patrolman Jomar Danao