Malabon City – Arestado ang isang tulak ng droga sa ikinasang manhunt operation ng PNP nito lamang ika-1:30 ng hapon ng Miyerkules, Agosto 3, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Randy Q Peralta, Director ng PNP Drug Enforcement Group, ang suspek na si Christopher Garibay Dela Cruz, 44, may asawa, caregiver, at residente ng 66 M. Blas St., Hulong Duhat, Malabon City. Ayon kay PBGen Peralta, ang suspek ay nasakote sa nabanggit na lugar ng mga operatiba ng PNP DEG, Special Operations Unit 4B at Hulong Duhat Police Sub-Station 7, Malabon City Police Station.
Naaresto si Dela Cruz sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000. Patuloy ang kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
Source: PNP DEG
###
Panulat ni PSMS Marisol A Bonifacio