Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isang matagumpay na buy-bust operation na isinagawa ng Pozorrubio Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office 1 (PDEA RO1) nitong madaling araw ng Abril 15, 2025 sa Barangay Nama, Pozorrubio, Pangasinan.
Kinilala ni Police Major Jordan C Tomas, Chief of Police ng Pozorrubio Police Station, ang suspek na si alyas “Pokoy”, 28 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng nasabing barangay at siya ay itinuturing na Street Level Individual (SLI) sa illegal drug trade.
Ayon pa kay Police Major Tomas, bandang 2:25 ng umaga, isinagawa ang operasyon kung saan nasamsam mula sa suspek ang tinatayang 2 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php13,600, isang (1) piraso ng Php100 (genuine buy-bust money); dalawang (2) piraso ng Php1,000 (boodle money); isang (1) itim na sling bag; isang (1) unit ng kulay asul na Honda Click motorcycle na walang plaka; at isang (1) piraso ng Driver’s License
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan sa kampanya kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Source: Pozorrubio Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Johndel Supremo