ParaƱaque City ā Arestado ang isang drug pusher matapos mahulihan ng tinatayang Php353,600 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng ParaƱaque City Police Station nito lamang Huwebes, Disyembre 1, 2022.
Kinilala ni PBGen Kirby John Kraft, District Director ng SPD, ang suspek na si alyas “Jose”, 27 taong gulang.
Ayon kay PBGen Kraft, dakong 2:15 ng madaling araw naaresto si alyas “Jose” sa kahabaan ng Dasa Compound sa harap ng Hontiveros Compound San Antonio ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit kasama ang Police Sub-Station 5 ng ParaƱaque CPS.
Nasabat sa suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 52 gramo at may Standard Drug Price na Php353,600, Php500 na ginamit bilang buy-bust money at isang brown na pouch.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11, Art. II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tinitiyak ni PBGen Kraft na patuloy ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga sa kanyang nasasakupan at pinapangakong mananagot sa batas ang mga mahuling indibidwal na gumagamit at nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos