Surallah, South Cotabato – Nabuwag ang isang drug den kasabay ng pagkadakip sa apat na high value individual sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA at PNP nito lamang Agosto 31, 2022.
Kinilala ni PLtCol Jomero Sentinta, Officer-In-Charge ng Surallah Municipal Police Station, ang mga naarestong suspek na sina alyas āAngkolā, alyas āDaveā, alyas āBak-Bakā at alyas āShernanā.
Isinagawa ang nasabing operasyon bandang 6:30 ng hapon sa Brgy. Libertad, Surallah, South Cotabato ng pinagsamang tauhan mula sa PDEA 12 at ng Surallah MPS.
Narekober mula sa mga suspek ang ibaāt ibang drug paraphernalia kasama ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 15 gramo at may tinatayang halaga na Php102,000.
Bukod dito, sa pamamagitan ng pinaigting na pagsubaybay at mahigpit na pagbabantay ng mga operating unit ay napag-alaman na ang lugar ay matagal nang ginawang hideout ng mga suspek kung saan ibinebenta, iniimbak at ginagamit ang mga mapanganib na droga sa anumang uri ng ilegal na aktibidad.
Nasa kostodiya na ng PDEA 12 South Cotabato ang apat na suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12 ng Article II of RA 9165.
Pinuri naman ni PBGen Jimili Macaraeg, Regional Director ng PRO 12 ang mga arresting unit sa kanilang pagpupursige na pigilan ang paglaganap ng ilegal na droga.
“Ang pagsira sa drug den at pag-aresto sa mga suspek ay isang tunay na pagpapakita na sa pamamagitan ng ating pagsisikap at pakikipagtulungan sa iba pang mga Law Enforcement Agencies, sama-sama nating makakamit ang isang drug free community sa rehiyong ito”, ani PBGen Macaraeg.
Panulat ni Pat Gio Batungbacal