Northern Samar – Sinalakay ng mga awtoridad ang isang drug den sa ikinasang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng tatlong indibidwal sa Brgy. Looc, Allen, Northern Samar nitong Oktubre 25, 2023.
Kinilala ang mga suspek na sina Marlon, isang High Value Target (Drug den maintainer); Jun (bisita); at Jhon (bisita) na parehong High Value Individual.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsamang puwersa ng Allen Municipal Police Station – Municipal Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni Police Lieutenant Thom Alexis Manlangit, Officer-In-Charge, kasama ang Northern Samar PPO – Provincial Intelligence Unit, NSPPO Provincial Drug Enforcement Unit at PDEA Northern Samar Provincial Office.
Nakumpiska sa mga suspek ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 15.02 gramo na may tinatayang market value na Php103,000.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tinitiyak naman ng PNP Northern Samar at PDEA 8 na magpapatuloy ang kanilang mas pinaigting na kampanya upang masugpo ang ilegal na droga sa buong probinsya ng Northern Samar para sa mas ligtas at maayos na pamayanan.