General Santos City – Arestado ang apat na High Value Target (HVT) at nabuwag ang isang drug den sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Operation ng PNP at PDEA 12 sa Purok 7, Lanton, Barangay Apopong, General Santos City, nito lamang ika-5 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Police Colonel Jomar Alexis Yap, City Director ng General Santos City Police Office (GSCPO), ang naaresto na sina alyas “Usman”, “Love Love”, “Samer”, at si alyas “Oscar”, pawang nasa wastong gulang at kapwa residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PCol Yap, naaresto ang mga suspek bandang 4:16 ng hapon sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 katuwang ang mga operatiba ng GSCPO at Police Regional Office 12.
Dagdag pa ni PCol Yap, nakumpiska sa mga naaresto ang humigit kumulang 13 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php88,400, mga drug paraphernalia, at iba pang non-drug item.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, 6, 7, 11, 12 at 15 ng Article II sa ilalim ng RA 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dahil sa serbisyong nagkakaisa ng GenSan PNP at PDEA 12 tinitiyak nito sa publiko na patuloy ang kanilang Anti-Illegal Drugs Operation sa pagsugpo sa aktibidad ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan tungo sa mas ligtas at maayos na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin