Nabuwag ang isang Drug Den at limang (5) indibidwal ang naaresto sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Misamis Occidental katuwang ang Tangub City Police Station nito lamang ika-28 ng Setyembre 2024 sa Barangay Silanga, Tangub City, Misamis Occidental.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Marlo B Mesias, Officer-In-Charge ng Tangub CPS, ang mga suspek na sina alyas “Merch”, 28 taong gulang; alyas “Roger”, 21 taong gulang; alyas “Dex”, 28 taong gulang; alyas “Al”, 36 taong gulang; at si alyas “Rommel”, 17 taong gulang, pawang mga residente sa iba’t ibang bahagi ng Misamis Occidental.
Sa operasyon ay nakumpiska ang nasa 12 na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na pitong gramo na may may street value na Php47,600; at iba pang mga drug paraphernalia.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Hilagang Mindanao na nagtutulungan sa paglaban kontra ilegal na droga upang mapanatiling payapa at ligtas ang mga nasasakupang komunidad.