Tiklo ang limang indibidwal at nabuwag ang isang drug den sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency 10 katuwang ang Malaybalay City Police Station nito lamang ika-16 ng Agosto 2024 sa Barangay 11, Impalambong, Malaybalay City, Bukidnon.
Kinilala ni Police Colonel Jovit Culaway, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Ai-Ai”, 20 anyos; alyas “Je”, 25 anyos; alyas “Dex”, 32 anyos; alyas “Jay”, 16 anyos at si alyas “Jay”, 16 anyos, residente sa iba’t ibang bahagi ng Bukidnon.
Nakumpiska ang nasa 12 na gramo ng hinihinalang shabu na may street value na Php81,600; mga drug paraphernalia at isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
Patuloy ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Hilagang Mindanao na nagtutulungan sa paglaban kontra ilegal na droga upang mapanatiling payapa at ligtas ang nasasakupang komunidad.