Sunday, November 24, 2024

Drug Den, binuwag; tanod at 7 pang indibidwal, naaresto

Isang drug den ang binuwag sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang puwersa ng DDEU, DID at operatiba ng SDEU Pateros MPS kasama ang mga tauhan ng DMFB dakong alas 4:30 ng hapon noong ika-7 ng Oktubre, 2021 sa 1156 P. Rosales St., Brgy Sta ana, Pateros. Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng apat (4) na suspek na kinilalang sina Marvin De Guzman y Reyes @ Marvin, 44 taong gulang, tanod; Reynaldo Reyes y Vargas, 52 taong gulang; Mark De Guzman y Reyes, 42 taong gulang; at Renato A Tavira, 38 taong gulang; lahat ay pawang mga residente ng Pateros. Ang mga nakuhang ebidensya ay anim (6) na heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng puting mala-kristal na sangkap na hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang na 52.10 gramo na may Karaniwang Presyo ng Droga na Php357, 000; isang (1) tunay na Php500 bill na buy-bust money; limang (5) bulto ng transparent plastic sachets; isang (1) dilaw na lighter; at iba pang drug paraphernalia.

Samantala, bandang 10:30 ng umaga sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Pasay City, naaresto naman sina Mary Ann Pascual y Tolentino @Mary, 29 anyos; Junie Tumonong y Vargas @Junie, 45 anyos; at Marissa Gatchalian y Roque @Apol, 48 anyos; pawang mga residente ng Pasay City at nakalista sa Drug Watchlist. Nakumpiska mula sa posesyon ng mga suspek ang anim (6) na heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng puting mala-kristal na sangkap na hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang na 3.13 gramo na may kalakalang halaga na Php21,284; isang (1) Php500 bill na buy-bust money; at isang (1) asul na plastic eyeglass case.

Sa oras humigit kumulang na dakong alas 7:20 ng gabi naman sa kaparehong araw, sa PNR site Purok 3, Brgy Bayanan, Muntinlupa City, habang ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ay nagsagawa ng pagmamatyag at rebalidasyon, di sinasadyang makasalubong nila ang isang suspek na may hawak na medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na sangkap na hinihinalang shabu na dahilan ng kanyang pagkaaresto. Nakilala ang suspek na si Sofronio Cabanting Jr y Salazar alyas Kamote, 39 taong gulang at residente ng Barangay Bayanan ng Muntinlupa City. Nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na anim (6) gramo na nagkakahalaga sa DDB na Php40,800.

Lahat ng nakumpiskang iligal na droga at paraphernalia ay nasa pangangalaga na ng SPD Crime Laboratory para sa pagsusuri, habang ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng nakahuling stasyon para sa tamang disposisyon at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinapurihan nmn ni PBGen Jimili L Macaraeg, District Director ng SPD ang mga operatiba ng Pateros MPS, Pasay CPS, at ang Muntinlupa CPS sa kanilang matagumpay na operasyon kontra iligal na droga at sa pagkaaresto ng mga suspek. “Sa pagpapatuloy ng aming pinalakas na kampanya laban sa iligal na droga, makakatulong ito sa pagsugpo at maiwasan ang paglawak ng pagbebenta sa ating kinasasakupan.” ani ni PBGen Macaraeg.

#####

Article and Photo Courtesy: PIO SPD

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles