Nagsagawa ng Drug Awareness Lecture ang mga tauhan ng Dupax Del Sur Police Station na ginanap sa Barangay Gabut, Anonang, San Guillermo, Isabela noong ika-24 ng Agosto 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCpl Preciously B Narne, Asst. MCAD PNCO sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Ervin A Langbayan, Chief of Police.
Ito ay parte ng selebrasyon ng Linggo ng kabataan na may temang “From Click to Progress, Youth Digital Pathways for Sustainable Development” na aktibong dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa nabanggit na lugar.
Nagbigay ng mahalagang impormasyon ang PNP sa mga masamang dulot ng ilegal na droga at ang mga batas kaugnay sa paggamit nito.
Ang naturang pagtuturo ay naglalayong mailayo ang mga kabataan at maprotektahan ang mga ito laban sa ilegal na droga.
Patuloy ang San Guillermo PNP sa pagsasagawa ng ganitong aktibidad upang palakasin ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) program na isang mahalagang hakbang upang maiwasan ang mapanirang dulot ng droga at makamit ang isang ligtas na Bagong Pilipinas.
Source: San Guillermo PS
Panunulat ni PCpl Kelvin Paul Juan