Nagsagawa ng Drug Awareness Lecture ang mga tauhan ng Limay Municipal Police Station sa Limay Senior High School, Limay, Bataan nito lamang Lunes, ika-5 ng Agosto 2024.
Pinamunuan ito ni Police Major Dennis B. Duran, Chief of Police ng Limay Municipal Police Station.
Samantala, nagbigay ng mahalagang impormasyon ang PNP patungkol sa mga masamang dulot ng ilegal na droga at ang mga batas kaugnay sa paggamit ng ilegal na droga.
Ang naturang pagtuturo ay naglalayong mailayo ang mga kabataan at maprotektahan ang mga ito laban sa ilegal na droga.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa kampanya kontra ilegal na droga upang makamit ang minimithing maayos at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Digna Jane Tenorio Malubay