Nagsagawa ng Drug Awareness Lecture ang mga tauhan ng Mariveles Municipal Police Station sa mga estudyante ng Bian Integrated School sa Barangay Bian, Mariveles, Bataan nito lamang Huwebes, ika-1 ng Augusto 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Dennis R Orbista, Chief of Police ng Mariveles MPS.
Nilalayon ng aktibidad na maturuan at mabigyan ng komprehensibong pag-unawa at masigurong ang mga estudyante ay may sapat na kaalaman at kasanayan upang maiwasan ang paggamit ng droga at masiguro ang kanilang magandang kinabukasan.