Samar – Nakumpiska ng mga tauhan ng PNP at PDEA ang ilang sachets ng hinihinalang shabu at baril sa isinagawang operasyon sa Brgy. Obrero, Calbayog City, Samar nitong Huwebes, Pebrero 16, 2023.
Hinalughog ng pinagsanib puwersa ng Samar Police Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Edwin Oloan, RID 8 Tracker Team at Calbayog City Police Station at sa koordinasyon ng PDEA Regional Office 8 ang bahay ni alyas “Jong-jong” at alyas “Margie”, parehas na nasa wastong gulang at residente ng nabanggit na barangay.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga otoridad sa bisa ng Search Warrant dahil sa paglabag sa probisyon ng Republic Act 9165 at RA 10591.
Patuloy naman ang PNP sa kampanya nito laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng ating bansa.