Thursday, November 28, 2024

Driver ng SUV na nanagasa ng Security Guard, sumuko na sa PNP

Camp Crame, Quezon City – Sumuko na nga ngayong araw, Hunyo 15, 2022, sa Philippine National Police (PNP) ang kontrobersyal na suspek at driver ng SUV na sangkot sa viral hit and run incident sa Mandaluyong City nito lamang nakaraang Linggo.

Hinarap mismo ni OIC, PNP, PLtGen Vicente Danao Jr. sa media ang suspek na si Jose Antonio Sanvicente.

Sa isang press conference, humingi ng paumanhin ang suspek na si Sanvicente, driver at registered owner ng nasabing sasakyan sa biktima na si Christian Joseph Floralde na isang security guard.

Dagdag pa niya, handa niyang tulungan ang biktima pagdating sa medical na pangangailangan nito.

Paliwanag ng abogado ng biktima, na nag-panic ang kanyang kliyente kaya niya iniwan ang biktima, ngunit nagpunta umano sila sa ospital upang makausap ang pamilya ni Floralde.

Ayon naman kay PLtGen Danao, maituturing nang case closed ang kaso dahil sumuko na ang suspek at naifile na ang kaso,

Paliwanang pa ni PLtGen Danao, nasa kamay na ng prosecutor ang magiging takbo ng kaso.

Sa Hunyo 17 nakatakdang magkaroon ng hearing ukol sa kasong isinampa laban sa suspek.

Matatandaan na si Floralde ay na-discharge na sa ospital kamakailan subalit nakakaramdam pa rin ng sakit sa ibang bahagi ng kanyang katawan sanhi ng nangyaring insidente.

Samantala, si Sanvicente ay nasa kustodiya na ng Highway Patrol Group sa Camp Crame, Quezon City para sa tamang disposisyon.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles