La Union – Timbog ng pulisya ang isang driver na may nakabinbing kasong Qualified Theft sa Naguilian, La Union bandang 4:30 ng hapon noong Enero 18, 2024.
Ang naturang indibidwal ay nag-apply ng National Police Clearance, subalit nang suriin ang kanyang pangalan ay natuklasang mayroon siyang umiiral na Warrant of Arrest.
Dahil dito, nakipag-coordinate ang mga tauhan ng National Police Clearance System (NPCS) ng Naguilian PNP sa Regional Trial Court, Branch 31, Agoo, La Union para sa beripikasyon at napatunayan na ito ay may Warrant of Arrest na nilagdaan at inisyu ni Hon. Romeo M. Atillo Jr., Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 31, Agoo, La Union noong Hunyo 8, 2016, kaugnay sa kasong Qualified Theft na may inirekomendang piyansa na aabot ng Php180,000.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng koordinasyon at pakikiisa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: Naguilian Municipal Police Station
Panulat ni PCpl Johndel Supremo