Arestado ang isang 47-anyos na drayber matapos mahulihan ng hinihinalang shabu at ilegal na armas sa isinagawang checkpoint operation ng PNP at Task Force Davao sa Bunawan District, Davao City nito lamang Mayo 19, 2025.
Kinilala ni Police Major Ian James S. Acal, Station Commander ng Bunawan Police Station, ang suspek sa alyas na “Reynaldo”, residente ng Spring Village, Maa, Davao City.
Nasabat mula sa suspek ang tinatayang mahigit Php29,000 halaga ng hinihinalang shabu, isang .38 caliber revolver na may anim na bala, isang holster, at ang minamaneho nitong multicab.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, at sa Omnibus Election Code.
Tuloy-tuloy naman ang pagsusumikap ng Police Regional Office 11 sa pinalakas na kampanya kontra ilegal na droga at armas, bilang bahagi ng kanilang pangakong panatilihin ang kaayusan at seguridad ng mamamayan.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino