Tarlac – Nagsagawa ng Dishwashing Liquid Making Training ang Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company sa mga residente ng Sitio Poquis, Brgy. Maasin, San Clemente, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-13 ng Oktubre 2023.
Ang naturang pagsasanay na pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Ford Sudaypan, Force Commander ng Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company.

Tinuruan ng mga awtoridad ang ating mga kababayan sa tamang paggawa o proseso ng dishwashing liquid na ginagamit sa paghugas ng ating mga kagamitan sa kusina.
Layunin nito na makatulong sa mga residente upang gawin nilang pangkabuhayan o gagamitin sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Patuloy na maghahatid ng kaalaman ang Tarlac PNP para sa serbisyong nagkakaisa tungo sa ligtas at maunlad na pamumuhay.
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera