Matagumpay na isinagawa ang tatlong araw na Workshop sa Disaster Preparedness, Search and Rescue, at Retrieval Operations sa Cordillera Administrative Region noong ika-2 hanggang 6 ng Enero, 2024.
Aktibong nakilahok ang iba’t ibang Police Provincial Offices (PPOs) sa Cordillera, kasama ang Bureau of Fire Protection-CAR, sa nasabing workshop.
Sa pamamagitan ng mga praktikal na pagsasanay, pagsusuri, group work, at brainstorming activities, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na mapahusay ang kanilang mga kakayahan sa pagtugon sa mga emergency.
Naging sentro ng pagsasanay ang aktibong pakikilahok sa pagpaplano ng disaster recovery, na nagresulta sa pagbuo ng mga komprehensibong plano na may pangmatagalang solusyon.
Sa isang debriefing session, nakalap ang mga puna at mungkahi upang mapabuti pa ang mga susunod na pagsasanay. Muling pinagtibay ng mga kalahok ang kanilang pangako na palagiang paghusayin ang kanilang mga kakayahan upang mas maging epektibo sa pagtugon sa mga sakuna.
Ang nasabing workshop ay isang mahalagang hakbang upang mas mapalakas ang kahandaan ng mga tauhan sa pagsagip at pagtulong sa panahon ng mga kalamidad.
Panulat ni Pat Charlyn Rose Gumangan