Nagsagawa ng School Visitation at Anti-Drug Abuse Symposium ang Dinapigue PNP sa Ayod Integrated School na may temang “Anti-Drug Abuse Symposium: The Evidence is Clear – Invest in Prevention” sa Dinapigue, Isabela nito lamang Disyembre 18, 2024
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Are-J Caraggayan, hepe ng Dinapigue Police Station kasama ang mga tauhan nito.
Tinalakay sa mga kabataan ang mga panganib ng iligal na droga, kabilang na ang mga probisyon sa ilalim ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, RA 8353 o “Anti-Rape Law of 1997” at RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004”, mga hakbang laban sa Communist Terrorist Groups (CTGs) at ang kahalagahan ng road safety.
Muling pinaalalahanan ang mga kabataan ukol sa “No Vaping” policy at ipinagbawal na pagmamaneho ng mga menor de edad.
Ang inisyatibang ito ng pulisya ay nagbibigay ng karagdagang kaalaman sa mga kabataan tungkol sa mga panganib ng droga, karahasan, at iba pang isyung panlipunan, na makakatulong upang maiwasan ang mga maling desisyon. Ito ay patunay ng kanilang pangako na protektahan at gabayan ang kabataan tungo sa ligtas at maayos na kinabukasan.
Source: PNP Dinapigue
Panulat ni Patrolman Rolando T Baydid Jr