General Santos City – Bumisita ang Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Atty. Benjamin Abalos Jr., kasama sina DILG Undersecretary for Operations Lord Villanueva at Undersecretary for Peace and Order Oscar Valenzuela sa Police Regional Office 12, Tambler, General Santos City nito lamang ika-14 ng Oktubre 2023.

Mainit na sinalubong ng Police Regional Office 12 sa pangunguna ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director, PRO 12, ang pagbisita ng mga matataas na lider ng DILG.

Sa ginawang pagbisita ng kalihim, pinangunahan nito ang Peace and Security Briefing kung saan dinaluhan ito ng mga kawani ng COMELEC, PNP at AFP sa Rehiyong 12 at BARMM.
Layunin ng pagpupulong na matiyak ang mga hakbangin sa seguridad para sa matuwid at mapayapang eleksyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre 30, 2023.