Nagsagawa ang Diadi PNP ng pagtuturo sa mga batang mag-aaral at mga guro ng Paaralang Elementarya ng Arwas, Diadi, Nueva Vizcaya nitong ika-21 ng Nobyembre taong kasalukuyan.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ni Police Major Roderick Rabago, Hepe ng Diadi Police Station.
Layunin ng aktibidad na maituro ang karapatan ng mga bata at maitatak sa kanilang isipan ang tinatawag na good touch at bad touch upang maiwasan ang pang-aabuso.
Isinagawa ang aktibidad alinsunod sa pagdiriwang ng Children’s Month 2022 na may temang “Kalusugan, Kaisipan at Karapatan ng Bawat Bata Ating Tutukan”.
Source: Diadi Police Station
Panulat ni Pcpl Harry B Padua