Pozorrubio, Pangasinan – Naghain ang pulisya ng Warrant of Arrest laban sa isang nakabilanggong suspek dahil sa Eight Counts of Qualified Theft nitong Biyernes, ika-2 ng Septyembre, 2022.
Kinilala ni Police Major Zynon A. Paiking, Hepe ng Pozorrubio Municipal Police Station, ang suspek na si Genevieve Fontanilla y Paule, 43, residente ng Brgy. Amagbagan, Pozorrubio, Pangasinan at kasalukuyang nakabilanggo dahil sa parehong kaso na nauna nang naisampa.
Ayon kay PMaj Paiking, inihain ang Warrant of Arrest bandang 4:40 ng hapon ng mga operatiba ng Regional Intelligence Division 1 at Pozorrubio Municipal Police Station sa Female Dorm, Bureau of Jail Management and Penology, Urdaneta City, Pangasinan na kung saan ang bawat kaso ay may inirekomendang piyansa na Php40,000.
Dagdag pa ni PMaj Paiking, kasama rin sa inihaing Warrant of Arrest ang kasong Qualified Theft through Falsification of Commercial Documents na may inirekomenda namang piyansa na Php90,000.
Patuloy na gagampanan ng mga kawani ng Philippine National Police ang kanilang mga tungkulin nang sa gayon ay mabigyan ang mga mamamayan ng mas ligtas at mas payapang komunidad.
Source: Pozorrubio PS
Panulat ni PSSg Bader Ceasar Ayco