Timbog ang isang delivery rider sa inilunsad na buy-bust operation ng mga operatiba ng Bagabag Municipal Police Station sa Bagabag, Nueva Vizcaya noong ika-6 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Major Oscar Abrogena, Chief of Police ng Bagabag MPS, ang suspek na si alyas “Randy”, 31, delivery rider at residente ng Barangay Tuao South, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, isang 500 peso bill na ginamit bilang marked money, Php2,000 na ginamit bilang boodle money, isang lighter, at isang android phone.
Sa kabuuan ay umabot sa humigit kumulang 5.92 gramo ang nakumpiskang ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng Php40,256.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Christopher C Birung, Regional Director ng PRO 2, ang mga operatiba na nasa likod ng matagumpay na operasyon. Dagdag pa nito, ang pagkakadakip ng suspek ay isa lamang sa mga resulta ng mahigpit na kampanya ng PRO 2 laban sa ilegal na droga katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan at bawat mamamayan ng Lambak ng Cagayan.
Source: Police Regional Office 2
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus