Timbog ang isang delivery rider matapos mahulihan ng tinatayang Php157,088 halaga ng shabu ng mga tauhan ng Taguig City Police Station nito lamang Lunes, Enero 1, 2024.
Kinilala ni PBGen Mark D Pespes, OIC, SPD, ang suspek na si alyas “Jove”, 34 anyos.
Ayon kay PBGen Pespes, nadakip ang suspek bandang 12:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Villa St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Substation 9, Taguig CPS at namataan nila ang suspek.
Nakumpiska sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 23.1 gramo ang bigat at may Standard Drug Price na nagkakahalaga ng Php157,080.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy na paiigtingin ng PNP Southern Metro ang mga pagsasagawa ng operasyon laban sa ilegal na droga ngayong panibagong taon upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang nasasakupang lugar.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos