Arestado ang delivery rider sa buy-bust operation ng City Intelligence Unit at City Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office sa Dignos Compound Brgy. Kamputhaw, Cebu City nitong Lunes, Setyembre 18, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director ng Cebu City Police Office ang naaresto na si “Aldrin”, residente ng 106 Towship, Poog, Toledo City.
Ayon kay PCol Dalogdog, dakong alas-3 ng hapon nitong Lunes nang maaresto ang suspek at narekober mula rito ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 50 gramo at may Standard Drug Price na Php340,000 at buy-bust money.
Ang buong kapulisan ng lungsod ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga at sa lahat ng uri ng kriminalidad tungo sa kapayapaan ng komunidad.