Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Delfin Albano PNP sa mga Day Care pupils na ginanap sa Brgy. Ragan Sur, Delfin Albano, Isabela nitong ika-3 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Richard Limbo, Chief of Police katuwang ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng Delfin Albano sa pagsagawa ng feeding program sa 50 na Day Care pupils.
Nagbahagi naman ang mga MCAD PNCO ng Delfin Albano PS na sina PSSg Verly Briones at PSSg Armine Sia ng storytelling, RA 7610 at RA 8353 sa mga bata sa paraang maiintindihan nila ang paksa.
Ang mga ganitong aktibidad ay isa lamang sa magagandang adhikain ng PNP upang pagtibayin ang samahan ng kapulisan at komunidad.
Ito din ang daan upang mabuksan ang isipan ng mga kabataan na ang kapulisan ay kanilang kakampi at hindi dapat katakutan.
Layunin ng aktibidad na patatagin ang relasyon ng kapulisan sa komunidad para sa pagpapanatili ng kapayapaan.
Source: Delfin Albano Police Station
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos