Nagpaabot ng pasasalamat ang taumbayan at ilang kilalang mga news anchor sa di matatawarang dedikasyon at disiplina ng kapulisan, katuwang ang ibang mga ahensya ng gobyerno, na tiyakin ang seguridad ng katatapos lang na halalan.
Ilang araw bago ang araw ng halalan, nagdeploy ang nasa mahigit 163,000 na PNP personnel at halos 38,000 na augmentation forces mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fire Protection (BFP) upang maisakatuparan ang mandatong bantayan ang boto at boses ng mamamayan ngayong 2025 midterm election.
Sa kabila ng init ng panahon, masigla pa ring tiniyak ng mga kapulisan ang seguridad ng mga polling precincts. Nag-abot din sila ng tulong sa mga botanteng nangangailangan ng assistance o may mga katanungan kaugnay sa pagboto sa mga precincts.
“Salamat din po sa mga awtoridad, lalo sa mga pulis at sundalo na nagsilbi para mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng bansa sa gitna ng halalan. Yung mga nakausap nating pulis kahapon, kahit medyo mainit ang panahon at maraming tao, chill lang sila habang nagbabantay, marunong pong magtanong at makipag-ugnayan, hindi po sisiga-siga. Maraming Salamat po sa inyo,” pagpapasalamat ni Manny Vargas, DZBB Anchor.
Maging sa mga posts at komento ng mga mamamayan sa mga social media platforms ay makikita ang kanilang pagpapaabot ng pasasalamat sa ating magigiting na kapulisan.
Natapos man ang halalan, patuloy pa rin ang PNP sa paggawa ng mga hakbang upang mapanatii ang seguridad ng buong election period.
Source: https://www.facebook.com/share/v/1Buwh5Abcg/?mibextid=wwXIfr