Nakiisa ang Davao PNP sa Parada Dabawenyo 2024 bilang pagdiriwang ng 87th Araw ng Davao na nagsimula sa Roxas Street patungong San Pedro Street harap ng San Pedro Church nito lamang ika-17 ng Marso 2024.

Dito ay ipinagmalaki ng iba’t ibang opisina ng Davao PNP kasali na rito ang Special Weapon and Tactics, Forensic Group, K-9/EOD, Special Action Force, Anti-Cyber Crime at iba pa ang kanilang pwersa sa pamamagitan ng pagsuot ng kanilang makikisig na uniporme at pagdala ng kanilang mga armas, kagamitan at patrol vehicles.

Layunin ng PNP Davao na ipaabot sa mga Davaoeños na kaisa sila sa pagdiriwang at sa lahat ng aktibidad na layuning isulong ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon onse.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino