Maguindanao – Nakiisa sa isinagawang Community Outreach Program ang mga tauhan ng Datu Piang Municipal Police Station sa Brgy. Damabalas, Datu Piang, Maguindanao nito lamang ika-16 ng Nobyembre 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development kaugnay ng Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (Bangun) Project kabilang ang Feeding Program.
Ang Datu Piang MPS ay pinangunahan ni Police Staff Sergeant Abdulbayan Amen, Municipal Community Affairs and Development PNCO sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Armando Liwan, Chief of Police.
Ito ay alinsunod sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Rodolfo S Azurin Jr, na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad para sa mas ligtas at maayos na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz