Kusang sumuko ang 37-anyos na dating rebeldeng NPA sa mga miyembro ng 401st B MC RMFB 4B sa Barangay Tagusao, Quezon, Palawan, nito lamang ika-10 ng Abril 2025.
Ang matagumpay na pagsuko ni alyas “Ka Buri” ay naging posible sa tulong ng mga tauhan ng Quezon MPS, Brooke’s Point MPS, 1st PPMFC, 2nd SOU, PNP maritime Group, PIU, lahat ng Palawan PPO, PALCIT RID, CIU PPCPO, at RIU-MIMAROPA.
Sa ulat ng pulisya, bandang alas-3:30 ng hapon, boluntaryong sumuko si “Ka Buri”, 37, dating CTG personality sa ilalim ng KLG-PALAWAN (South), Vienvinido Vallever Command, SRMA-4E, STRPC, dala ang isang (1) unit ng baril (Homemade Shotgun), at dalawang (2) piraso ng 12 gauge ammunition.
Ang nasabing sumuko ay pinangasiwaan na ngayon ng 401st B MC RMFB 4B para sa debriefing at tulong bago ma-enrol sa Enhanced Comprehensive and Local Integralson Program (E-CLIP).
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadana
Source: PRO MIMAROPA