Aurora – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang dating rebelde sa 2nd Aurora Police Mobile Force Company Headquarters sa Brgy. Dibacong, Casiguran, Aurora nito lamang Lunes, ika-27 ng Marso 2023.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Aurora Police Provincial Office ang boluntaryong pagsuko ng dating rebelde.
Napag-alaman na dating miyembro ng Samahang Kabataan ng Aurora (SAKA) sa ilalim ng Underground Mass Organization (UGMO).
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng dating rebelde ng isang baril at limang bala bilang pagpapatunay sa katapatan at pagbabalik-loob sa pamahalaan.
Patuloy ang Aurora PNP sa pangangampanya laban sa terorismo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanilang nasasakupan lalo na sa mga kabataan at hikayatin na makibahagi sa programa ng ating pamahalaan.
Source: 2nd Aurora Provincial Mobile Force Company
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3