Bulacan – Boluntaryong nagbalik-loob sa mga awtoridad ang isang dating rebelde sa Malolos City, Bulacan nito lamang Lunes, ika-10 ng Hulyo 2023.
Ang naturang pagbabalik-loob ay pinamunuan ni Police Colonel Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Jun”, 66, miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) na nag-ooperate sa probinsya ng Bataan, Bulacan, Pampanga at Zambales.
Boluntaryo din nitong sinuko ang hindi lisensyadong baril at limang bala sa mga awtoridad.
Ito ay bunga ng pagsisikap ng Bulacan PNP upang hikayatin ang ating mga mamamayan at ibahagi sa kanila ang mga iba’t ibang programa ng ating pamahalaan.
Source: Bulacan Police Provincial Office
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera/RPCADU3