Valenzuela City – Sumuko at nagbalik-loob sa gobyerno ang dating opisyal ng ANAKPAWIS na si Eugene T. Gicaen alyas “Ka Boyong” kasama ng kanyang baril sa Headquarters ng NPD bandang alas-9:00 ng umaga nang Miyerkules, Abril 13, 2022.
Sinalubong ni District Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr. ng Northern Police District; Police Colonel Ferdinand M. Del Rosario, Force Commander ng DMFB; at LTC Eugene Paul Arbues, PA (GSC), Commander 11th CMOBn, CMOR si Ka Boyong at kanila itong pinasalamatan sa pagtitiwala sa ating gobyerno.
Sa kanyang pagsuko, ibinulgar ni Ka Boyong ang kanyang sinapit at naranasan bilang Coordinator sa KADAMAY sa Lungsod ng Valenzuela sa loob ng tatlumpung taon.
Sa mensahe naman ni PBGen Hidalgo Jr, kanyang inilahad na ramdam niya ang sakripisyong pinagdaanan nila at yung opurtunidad at kinabukasan nila na makapagtapos ng pag-aaral ay inagaw ng kilusan.
Dagdag pa nya, “Mahigit tatlumpung taon ay nagpadala sila sa mga matatamis na salita ng kilusan, bilang pagkilos laban sa mga grupong ito, dapat kailangan muna natin malaman kung sino sila, kung ano ang ginagawa nila, kung ano ang pamamaraan nila, at kung paano sila nakakapagkumbinsi sa mga tao. Bilang Pulis at Sundalo, constitutional mandate natin ang To Protect and To Defend Democracy”.
Tiniyak ni PBGen Hidalgo Jr. na ang kanyang hanay ay kaisa sa pagbabagong buhay ng mga dating rebelde, at patuloy na susuporta sa E. O. No. 70 para makamit ang kapayapaan sa ating bansa at matulungan ang mga ito.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos