Cervantes, Ilocos Sur – Boluntaryong isinuko ng isang dating kasapi ng New People’s Army ang isang kalibre .38 na baril sa mga tauhan ng Cervantes Municipal Police Station nitong Huwebes, ika-24 ng Nobyembre, 2022.
Ayon kay Police Captain Macario Dulawan, Officer-In-Charge ng Cervantes Municipal Police Station, aksidenteng nadiskubre ng dating kasapi ng New People’s Army ang nasabing baril sa isang kubo sa Sitio Cawag, Brgy. Aluling, Cervantes, Ilocos Sur na kanilang pinagpahingaan ng kanyang mga kasama sampung taon na ang nakaraan.
Ayon pay kay PCpt Dulawan, ang boluntaryong pagsuko ng nasabing baril ay resulta ng masigasig na pagsusumikap at patuloy na pagpapatupad ng PNP Revitalized KASIMBAYANAN ng mga tauhan ng Cervantes Municipal Police Station.
Patuloy na gagampanan at lalong paiigtingin ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang kanilang kampanya ng laban sa mga Loose Firearms nang sa gayon ay mabasawan ang mga insidenteng may kinalaman sa baril alinsunod sa kanilang mandato na protektahan at pangalagaan ang buhay.
Source: Cervantes Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Bader Ceasar Ayco