Sunday, October 13, 2024

Dating Miyembro ng TIMUN, balik-loob sa pamahalaan

Isang dating miyembro ng Timpuyog Iti Marigrigat nga Umili iti ili nga Naguilian (TIMUN), isang organisasyong konektado sa CPP-NPA-NDF, ang nagdesisyong magbalik-loob sa pamahalaan noong ika-11 ng Oktubre, 2024 sa Sitio Mancaeng, Barangay Gusing Norte, Naguilian, La Union.

Bandang ala-una ng hapon ay matagumpay na isinagawa ng mga awtoridad, sa pangunguna ng Technical Support Company ng RMFB 1, kasama ang Naguilian Municipal Police Station, La Union Provincial Intelligence Unit, at Provincial Intelligence Team-RIU 1, ang proseso ng pagbabalik-loob ng dating miyembro ng nasabing organisasyon.

Sa kasalukuyan, isinailalim na sa custodial debriefing ang naturang indibidwal upang mabigyan ng tamang proseso ng dokumentasyon at para sa kanyang kaligtasan.

Ang mga awtoridad ay patuloy na nagsusulong ng mga hakbang upang masiguro ang maayos na paghawak sa kaso ng mga nagbabalik-loob na dating kasapi ng mga grupong rebelde.

Ang pagkilos na ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensiya at patunay ng kanilang patuloy na pagsusumikap na hikayatin ang mga dating rebelde na magbalik-loob at tanggapin ang mga programa para sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

Source: Technical Support Company, RMFB1

Panulat ni PSSg Johndel L Supremo

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles