Wednesday, May 21, 2025

Dating miyembro ng NPA, sumuko sa mga awtoridad sa Victoria, Oriental Mindoro

Sumuko sa 1st Provincial Mobile Force Company ng Oriental Mindoro PPO ang isang 53-anyos na dating miyembro ng NPA matapos ang matagumpay na koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pwersa ng militar sa Barangay San Isidro, Victoria, Oriental Mindoro noong ika-3 ng Hunyo 2024.

Ayon sa ulat ng pulisya, si “Ka Tukyas,” 53, isang dating miyembro ng komunista, ay boluntaryong sumuko dala ang isang unit ng homemade 12-gauge shotgun na walang serial number at tatlong live ammunition. Ang pagsuko ay isinagawa sa harap ng mga tauhan ng Oriental Mindoro PPO 1st PMFC, na sinamahan ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, Socorro MPS, NICA 4B, RMFB 4B, 76th IB PA, 23rd MICO PA, at 101SAC 10SAB PNP-SAF bandang alas-11:20 ng umaga.

Ang dating rebelde ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng 1st PMFC OrMin PPO para sa debriefing at pagbibigay ng tulong bago siya isali sa Enhanced Comprehensive and Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno. Ang programa ay naglalayong magbigay ng suporta at reintegrasyon para sa mga nagbabalik-loob na rebelde upang sila’y muling makapamuhay nang normal at makiisa sa lipunan.

Ang pagsuko ni “Ka Tukyas” ay isang malaking hakbang patungo sa kapayapaan at kaayusan sa Oriental Mindoro. Ipinapakita nito na may mga oportunidad para sa mga dating rebelde na nais magbagong-buhay at magbalik sa komunidad.

Patuloy na hinihikayat ng mga awtoridad ang iba pang miyembro ng mga armadong grupo na sumuko na rin at samantalahin ang mga programa ng gobyerno na naglalayong magbigay ng tulong at oportunidad para sa isang mas maliwanag na hinaharap.

Source: Police Regional Office MIMAROPA

Panulat ni Patrolwoman Desiree Padilla

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles