Palawan – Kusang sumuko ang isang dating miyembro ng New People’s Army sa mga tauhan ng 401st B Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion sa Brgy. Poblacion, Taytay, Palawan noong Hulyo 13, 2023.
Ayon kay Police Captain Joseph Erpelo, Officer-In-Charge ng 401st B MC, RMFB, ang boluntaryong sumuko ay kinilalang si “Ka Jong”, 51, dating miyembro ng NPA sa Baryo sa ilalim ng KLG-North, SRMA-4E STRPC Magsasaka sa ilalim ng Pinagkaisang Lakas ng mga Okupante, Residente, Manggagawa, Magsasaka at Mangingisda (PLORMMM).
Ayon pa kay PCpt Erpelo, ang pagsuko ni “Ka Jong” ay resulta ng walang humpay na pagsisikap ng mga intelligence unit ng 401st B MC RMFB, sa pakikipagtulungan ng Taytay MPS, Dumaran MPS, San Vicente MPS, PCPPO City Intelligence Unit, Provincial Intelligence Unit, Police Station 1 at 2, PCPPO City Mobile Force Company, 2nd PMFC Palawan PPO, CIT-RID 4B, RID NCRPO, 103rd SAC PNP-SAF, RID MIMAROPA, 2nd SOU PNP Maritime Group, at CIU-Palawan PCG.
Dagdag pa ni PCpt Erpelo, si “Ka Jong” ay nasa ilalim na ngayon ng kustodiya at pangangasiwa ng 401st B MC RMFB para sa custodial debriefing, dokumentasyon at tulong sa pagproseso ng Enhanced Comprehensive and Local Integration Program (E-CLIP).
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus