Nueva Ecija – Nagbalik-loob ang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na miyembro ng Komiteng Larangang Gerilya Sierra Madre (KLG Sierra Madre) sa 1st Provincial Mobile Force Company, Nueva Ecija PNP sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang Martes, Disyembre 6, 2022.
Ito ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Robert Agustin, Force Commander ng First Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija Police Provincial Office.
Kinilala ang dating rebelde na 31 anyos,mag-uuling at nakatira sa Paniqui, Tarlac.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pag turn-over ng isang converted caliber 22 rifle; apat na pirasong bala ng calibre 22; at isang hand grenade.
Samantala, nakatanggap ang sumukong rebelde ng grocery packs at inaayos na ang mga kaukulang dokumento para isailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy ang Nueva Ecija PNP sa pagpapaigting sa kampanya laban sa terorismo at inhursensya na balakid sa pagkamit ng kapayapaan at pag-unlad ng ating bayan.
Source: 1st PMFC, Nueva Ecija PPO
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU 3