Mamburao, Occidental Mindoro — Boluntaryong sumuko sa pulisya ang dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Bansalay, Mamburao, Occidental Mindoro nito lamang Hunyo 29, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Rolando Lampad, Regional Mobile Force Battalion 4B Commander ang sumuko na si si alyas “Ka Dindo,” 52, residente ng Mamburao, Occidental Mindoro.
Ayon kay PCol Lampad si “Ka Dindo” ay isang regular na miyembro ng Communist Terrorist Group na nakatalaga sa Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) simula 1998 nang ipinadala siya sa Palawan at naging miyembro ng Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) sa ilalim ng Bienvenido Vallever Command.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagsurrender nya ng isang unit ng Cal .38 Smith at Wesson revolver na may anim na bala.
Sasailalim sa debriefing at Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) si Ka Dindo bilang parte ng kanyang pagbabalik-loob sa gobyerno.
Pinuri naman ni Regional Director Police Brigadier General Sidney Hernia ang pagsisikap ng RMFB at Occidental Mindoro PPO sa kanilang mga aktibidad na humantong sa pagsuko ng mga dating miyembro ng Communist Terrorist Group.
Source: RPIO MIMAROPA
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago