Mapayapang sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Camp Colonel Jose P Razon, Sitio Palico, Barangay Bilaran, Nasugbu, Batangas bandang 4:30 ng hapon nito lamang Mayo 19, 2024.
Kinilala ni Police Major Ronnie B Aurellano, Acting Force Commander ng 2nd Coy Batangas Provincial Mobile Force Company ang dating CTG member na si alyas “Arnel”, 55 taong gulang na residente ng Barangay Mahabang Dahilig, Lemery Batangas.
Si alyas “Arnel” ay miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) ng SRMA 4C at nakalista sa CNN watchlist ng 1st Quarter ng 2018, at kasama sa Periodic Status Report Listed (PSRL) ng 1st Quarter of 2021.
Ang nasabing personalidad ay kusang sumuko sa pinagsanib na pwersa ng 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company, PIU-Batangas PPO, Nasugbu MPS, Lemery MPS, PIT Batangas/RIU4A, RID 4A, 403rd Maneuver Company RMFB4A, 59th Infantry Battalion, 2ID, PA.
Isinuko rin nito ang isang unit ng caliber .38 revolver na walang serial number at isang piraso ng riffle grenade.
Ito ay kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ng 2nd Batangas PMFC para sa pagproseso at dokumentasyon, gayundin sa pagpapadali ng kanyang aplikasyon sa programang E-CLIP ng pamahalaan.
Layunin ng pambansang pulisya na hikayatin ang mga natitirang kasapi at mga tagasuporta ng CPP-NPA-NDF na magbalik-loob sa ating pamahalaan at magtulungan upang labanan ang terorismo at insurhensiya para sa Bagong Pilipinas.
Source: 2nd PMFC- Batangas PPO
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales