Bulacan – Nagbalik-loob ang dating miyembro ng CPP-NPA at isinuko ang isang baril sa Bulacan PNP sa Barangay Guinhawa, City of Malolos, Bulacan nito lamang Miyerkules, ika-10 ng Mayo 2023.
Pinamunuan ito ni Police Colonel Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, katuwang ang 1st Bulacan Provincial Mobile Force Company.
Kinilala ang nagbalik-loob na si alyas “Ka Arman”, 52 anyos, isang construction worker at miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang hindi lisensyadong baril, tatlong bala, at dalawang cartridge shell.
Patuloy ang Bulacan PNP na makikipag-ugnayan sa mga gustong bumalik sa pamahalaan at magbagong buhay para sa kanilang magandang kinabukasan.
Source: Bulacan Police Provincial Office
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3