Wednesday, November 6, 2024

Dating miyembro ng Communist Terrorist Group, balik-Loob sa pamahalaan

Matagumpay na nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte nito lamang Linggo, ika-3 ng Nobyembre, 2024.

Bandang ala-una ng hapon isinagawa ang proseso ng kanyang pagbabalik-loob sa pangunguna ng Piddig Municipal Police Station, katuwang ang 1st INPMFC, INPIU, 114th SAC, RIU-PIT Ilocos Norte, 101st MC ng RMFB 1, RID 1, Local Government Unit ng Piddig, Barangay Kagawad Jojo Balai, at mga kasapi ng Religious Group.

Siya ay na-recruit sa CTG taong 1985 sa ilalim ng Father Zacarias Agatep Command (FZAC) at Martial Law Victim Association of Ilocos Norte (MLVAIN). Sa panahong iyon, matindi ang kanyang nadamang pagkadismaya at galit sa sistema kaya’t siya ay naimpluwensyahan ng mga personal na kadahilanan upang umanib sa kilusan.

Matapos ang mga dekadang pakikibaka, tuluyan na niyang binitiwan ang ideolohiya ng grupo, kinilala ang kanyang mga pagkakamali, at nagpasyang tahakin ang daan tungo sa kapayapaan.

Pagkatapos ng isang masinsinang debriefing, opisyal siyang nanumpa ng “Oath of Allegiance” bilang simbolo ng kanyang ganap na pagtalikod sa dating grupo.

Ang kanyang pagbabalik-loob ay isang malaking hakbang ng pamahalaan sa pagkamit ng mas payapang komunidad, at umaasa na mas marami pang dating rebelde ang magpapasyang bumalik sa pamahalaan.

Source: Piddig Municipal Police Station

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles