Tuesday, November 26, 2024

Dating Mister kalaboso sa kasong pagnanakaw ng Mandaluyong PNP

Mandaluyong City — Kalaboso ang isang dating mister sa isinagawang follow-up at entrapment operation ng Mandaluyong City Police Station
matapos nakawan ang bahay ng kanyang dating misis habang ito ay nagbabakasyon nito lamang Lunes, Mayo 1, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Gauvin Mel Unos, Chief of Police ng Mandaluyong CPS, ang suspek na si alyas “Toto”, 42, dating asawa ng biktima kasama ang kanyang kasabwat na si alyas “Vincent” na nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Ayon kay PCol Unos, nakita sa CCTV ang ginawang pagnanakaw ng mga suspek gamit ang master key ng kwarto noong Abril 30, 2023 bandang alas-6:00 ng umaga sa No. 817 B Torres St. Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Kaya agarang humingi ng tulong ang biktima na kinilalang si Rachelle Sibayan, 34 at dating may bahay ng suspek sa mga otoridad na nagsagawa naman ng agarang operasyon.

Narekober sa suspek ang mga alahas na nagkakahalaga ng Php696,000, mga relo na nagkakahalaga ng Php87,000 na may kabuuang Php783,000 at kasama din sa nakumpiska ang isang transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu.

Mahaharap si alyas “Toto” at alyas “Vincent” sa kasong paglabag sa Article 294 o Robbery samantala, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 9262 ang karagdagang kaso ang ihahain pa laban sa dating mister.

Laking pasasalamat naman ng biktima sa mga kapulisan dahil sa agarang pagkakaaresto ng suspek at kanya nang makakamit ang hustisya na kanyang inaasam mula sa kanyang mapanakit na mister.

Source: Mandluyong City Police Station

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles