Patuloy ang pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang maghatid kaalaman at mabigyan ng pangkabuhayan ang mga kababayang nagbabalik-loob sa pamahalaan.
Patunay dito, 25 iskolar ang nagtapos sa 29 days Organic Agriculture Production Training na isinagawa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong Nobyembre 4, 2021 sa Bagsakan Center, Barangay Luna, Quirino, Isabela.
Ang mga nagsipagtapos ay kinabibilangan ng 13 sumukong Communist Terrorist Group (CTG) supporters (Militia ng Bayan); dalawang (2) drug reformists; at 10 miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).
Ang nasabing training ay bunga ng kasunduan sa pagitan ng Philippine National Police at TESDA na ang mga dating CTG at drug reformist ay sasailalim sa livelihood program bilang tulong sa kanilang pagbabagong-buhay.
Ang pagtatapos ay dinaluhan nina PCol James M Cipriano, na kinatawanan ni PMaj Amy M Dela Cruz, Deputy PCADU, Isabela Police Provincial Office; Vilma C Cabrere, PhD, CESO IV, Provincial Director, TESDA Isabela; Mr. Cenon M Aquino, may-ari ng SM Passion Farm School; Merly Malana Viernes, TESDA Specialists; Quirino Vice Mayor Ma. Nerissa J Callangan at Pastor Jonathan Purugganan, Life Coach.
Pinaabot ni PCol Cipriano ang mensahe ng pagbati sa mga nagsipagtapos at ang kanyang pasasalamat at papuri sa TESDA.
Source: Isabela PPO
#####
Panulat ni: Police Corporal Carla Mae P Canapi