Binawi ang suporta ng isang dating sumusuporta sa mga rebeldeng grupo at boluntaryong nagbalik-loob sa pamunuan ng 2nd PMFC, Nueva Ecija PNP, nito lamang ika-17 ng Mayo sa Nueva Ecija.
Ang naturang pagbabalik-loob ay pinangunahan ni Police Major Bryan Christopher L Baybayan, Force Commander ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija Police Provincial Office.
Ayon sa ulat ng 2nd PMFC, Nueva Ecija PNP, isang miyembro ng Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) sa ilalim ng Josefino Corpuz Cammand Operating ang isang nagbalik-loob sa nasabing lugar.
Bilang pagtalikod sa mga komunistang teroristang grupo, ang pagbabalik-loob ni “Ka Saro” ay ang pagsuko sa kanyang mga kagamitan tulad ng isang improvised (1) unit ng Cal. 5.56 pistol, at dalawang (2) bala sa mga awtoridad.
Naging matagumpay at mapayapa ang naturang pagbabalik-loob ng nasabing indibidwal.
Kaya naman hinihikayat ng ating mga awtoridad ang mga natitirang kasapi at suportado ng CPP-NPA-NDF na magbalik-loob sa ating pamahalaan at makiisa sa iisang layunin na labanan ang insurhensiya at terorismo para sa Bagong Pilipinas.
Source: Pio, Nueva Ecija Pnp
Panulat ni Pat Marimar J Junio