Albay – Patuloy sa pagtulong ang mga tauhan ng Daraga Municipal Police Station sa pangunguna ni PLtCol Carl Joseph Jaucian, sa pag-aani ng mga tanim na gulay ng mga magsasakang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon nito lamang Hunyo 20, 2023.
Katuwang ng nasabing himpilan ang mga tauhan mula sa Municipal Agricultural Services Office (MASO) at ng Lokal na Pamahalaan ng Daraga sa pamumuno ni Mayor Carwyn G Baldo, upang mas mabilis na maani ang mga tanim na gulay sa Barangay Mi-isi, Daraga, Albay.
Ang hakbang na ito ay may mithiing makatulong sa mga magsasakang lubhang apektado ng Bulkang Mayon upang mapabilis ang ani at mapakinabangan pa ang kanilang mga pananim.
Patuloy ang Daraga PNP sa pagsasagawa ng mga aktibidad na maghahatid ng serbisyong nagkakaisa at may malasakit sa kapwa.
Source: Daraga Mps Albay Ppo