Navotas City – Arestado ng mga tauhan ng Navotas City Police Station ang dalawang lalaking tulak ng ilegal na droga sa kanilang ikinasang buy-bust operation nito lamang Sabado, Hulyo 8, 2023.
Kinilala ni PBGen Ponce Rogelio I Peñones Jr, District Director ng NPD, ang mga suspek na sina alyas “Jordan”, 35; at alyas “Chokoy”, 48, pawang mga residente ng Lungsod ng Caloocan.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, bandang 2:30 ng madaling araw nang isagawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng Tanigue Extension, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, Navotas City na naging dahilan sa kanilang pagkakaaresto.
Nakumpiska naman sa mga suspek ang pitong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php394,400; at isang tunay na Php500 na ginamit bilang buy-bust money.
Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nadakip na suspek na kasalukuyang nakapiit sa pasilidad ng istasyon.
Pinuri naman ni PBGen Peñones Jr. ang Navotas City Police Station para sa walang patid na dedikasyon upang labanan ang ilegal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa naturang Lungsod.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos