Dalawang suspek sa robbery extortion, arestado sa entrapment operation sa Albay

0
144

Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa isang entrapment operation sa Guinobatan, Albay noong Marso 13, 2026, kaugnay ng kasong robbery extortion at paglabag sa mga batas tungkol sa baril at pampasabog.

Ang biktima na kinilalang si alyas “Manay,” 61-anyos, isang negosyante at residente ng Guinobatan, Albay, ay humingi ng tulong sa pulis matapos umano siyang bantaan at hingan ng pera ng mga suspek.

Pinangunahan ng Guinobatan Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Genivieve Oliva Oserin, Officer-In-Charge, kasama ang RIDMD tracker team, ang operasyon.

Naaresto ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Marco,” 42, mula Bulan, Sorsogon, at alyas “Rico,” 28, mula Irosin, Sorsogon, matapos umanong tanggapin ang marked money mula sa biktima.

Nasamsam mula sa mga suspek ang marked money at boodle money, .38 revolver at .45 pistol na may mga bala, isang granada, mga cellphone, at isang Yamaha Sniper na motorsiklo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong Robbery Extortion, paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives).

Pinuri ni PCol Noel Donato Nuñez, Albay Police Provincial Director, ang mga operatiba at hinikayat ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa pulisya upang mapigilan ang kriminalidad sa lalawigan.

Leave a Reply