Arestado ang dalawang Provincial Most Wanted Person sa magkakahiwalay na manhunt operation ng Rizal PNP sa lalawigan ng Rizal nito lamang ika-23 ng Disyembre 2024.

Kinilala ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “James”, 28 taong gulang, residente ng Barangay San Juan, Taytay, Rizal at “Apollo”, 38 taong gulang, residente ng Barangay San Juan, Cainta, Rizal.
Naaresto si alyas “James” bandang 3:30 ng hapon ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Rape na walang piyansa.
Habang si alyas “Apollo” naman ay naaresto dakong 4:20 ng hapon ng mga tauhan ng Cainta Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Frustrated Murder na may inirerekomendang piyansang aabot sa Php200,000.
Ang kapulisan ng Rizal ay magpapatuloy sa pagtugis sa mga nagkasala sa saligang batas upang sila ay mapanagot at mabigyan ng hustisya ang kanilang mga naging biktima. Higit sa lahat magkaroon ng kapanatagan na ligtas at malayo sa krimen ang mamamayan ng Rizal.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng